Sunday, August 19, 2007

Buhay Kong Masigla

Ang buhay ay makabuluhan
Parang isang hagdanan na maraming pagdadaanan
Sa bawat pagdadaanan may kaligayahan na makamtan
Ito ay mahahalintulad sa isang malawak na kapaligiran
Maraming nagkakagulo at minsan naman ay tawanan
Pero sa dulo ang buhay ay kay sigla.
May isang pbatang pinanganak
Tahimik at wala pang alam
Palaging naglalaro at pinagmamasdan
Laging sumusunod sa mga magulang
Minsan naman ay nag-aaral at naglalakbay
Para matuklasan kung ano talaga ang buhay.
Nang naging dalaga
Ang buhay pala ay mahalaga
Maraming tungkulin ang gagawin
At maraming gusot na aayusin
Minsan may problemang nararanasan
Ito pala ay bahagi na.
Sa kuwento naman ng pag-ibig
Ni minsan di pa naisip
Kasi meron ding pagkabatang isip
Di maiwasan magtanong sa sarili
Kung ano ba talaga ang pag-ibig?
At kung gaano ito kahalaga sa atin?
Sa pagpapatuloy sa paglalakbay
Maraming mapapansin na magagandang bagay
Napakasarap tingnan,suotin at bilhin
Bakit ba napakahirap kunin?
Ito ay napakahirap sa akin
Kaya sanhi ng pag-aawayan.
Ngayong malaki na
Di maiwasan ang pagkamatigasin
Sinusuway sila para makuha ang gusto ko
Pero mahal ko sila kahit ganito ako
Ako ay bata pa at marami pang dapat malaman
Na ang buhay ay puno rin ng sigla.

Jennifer Anne S. Gananden